the He said, She said adventure I.
April 22, 2008
I.
She said: Put the toilet seat up.
He said: Mag tagalog ka.
She said: Yung ihi mo nakakalat sa buong CR!
He said: Buhusan mo na lang ng tubig.
She said: Eh kung ikaw kaya gumawa non!
He said: Ikaw na para sweet.
II.
He said: Luto ka ng chopseuy.
She said: Di ako marunong.
He said: Eh sinigang na baboy?
She said: Di din.
He said: Adobo na lang!
She said: Di din ako marunong.
He said: Tinolang manok?
She said: Hindi.
He said: Afritada?
She said: Hindi pa din.
He said: Sige, itlog na lang ulit.
She said: Ikaw na. Tinatamad ako.
III.
He said: Massage mo ko… *pouts*
She said: Massage mo pwet mo.
He said: Sige na, sa likod lang. Tapos kiss na din.
She said: Lolo mo sa likod lang.
He said: Kinakausap ka ng maayos eh!
She said: Lolo mo maayos.
He said: Isip bata ka talaga.
She said: Lolo mo isip bata.
He said: Kiss na lang. *pouts*
She said: Lolo mo kiss na lang.
He said: Ewan ko sa’yo! *walks out*
She said: Lolo mo ewan ko sa’yo.
IV.
She said: What’s up with the scarf?!
He said: Mag tagalog ka.
She said: Alam mo ba na summer ngayon?
He said: Ha? Summer ba?
She said: Ha-ha-ha.
He said: Kaya pala hot ako lagi kapag katabi ka.
She said: Wow. What a pickup line. *rolleyes*
V.
She said: Maligo ka naman bago ka humiga sa kama!
He said: Mabango naman ako eh.
She said: Eeew. Ang pawis-pawis mo! Kadiri kaya!
He said: Asus! Dito ka nga na inlove sa akin eh.
She said: Ulul. Inakit mo ako.
He said: Nagpaakit ka naman!
May point nga naman siya.
Entry Filed under: he said she said. Tags: brat, lalabs, love, ronaldo.
7 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed
1.
niƱa | April 22, 2008 at 9:28 pm
kasweet nyo naman maglambingan!hehe!
2.
ikstopanor | April 22, 2008 at 9:46 pm
hindi kami yan. ibang tao yan. wehehe =p
3.
alphasensei | April 23, 2008 at 6:12 am
shet ron… ganyan ka makipag-usap? hahaha mahal ka nga siguro nyan. kung ibang lalake, baka nasapak ka na.
)
naakit ren sya sa iyo. haha!
4.
ikstopanor | April 23, 2008 at 8:05 am
wahahahahaha! =p naakit siya sa “lolo mo…” line ko! =D
5.
Pao | April 23, 2008 at 8:31 am
panalong linya un scarf na yan!wahaha!
6.
TONIO | April 23, 2008 at 8:36 am
hehehehe!panalo!oo nga whats up w/ the scarf?hehehehehe!LOLO MO SCARF!san nya nabibili un mga scarf nya?gsto ko dn!
7.
ikstopanor | April 23, 2008 at 8:40 am
@tonio:
pang tago sa kissmark yon. kissmark na hindi galing sa akin. wahahaha =D *rolleyes*
not sure eh. itatanong ko sa kanya para maging hot ka din kapag katabi mo si gelpren. wehehe =D